|
|
|
Superplanning, Idaraos ng Gabay
Bilang paghahanda sa mga gawain ng Gabay sa susunod na panuruang taon, gaganapin ang isang “Superplanning” mula ika-29 ng Mayo hanggang ika-1 ng Hunyo sa Angenika Resort sa Nasugbu, Batangas.
Sa nasabing pagtitipon, tatalakayin ang mga detalye ng ilang mahahalagang aktibidad ng Gabay sa unang semestre tulad ng Schlolar’s Acquaintance Party at marami pang iba. Magsisilbi rin itong ebalwasyon sa mga naging gawain ng nasabing organisasyon noong nakaraang taon at pagpapakilala sa mga panibagong proyektong naglalayong mabigyang-diin ang pagiging organisasyon nito para sa mga iskolar.
Bukas ang nasabing pagtitipon sa lahat ng kasapi ng Gabay. Sa mga nais pumunta, kinakailangang magdala ng PhP 300 para sa gastos sa transportasyon at sa lugar. Bukod pa rito, kailangan ding magdala ang bawat kasapi ng papel at panulat, pagkain at mga personal na bagay tulad ng damit na maaaring magamit sa loob ng apat na araw. Pinapayuhan din silang magdala ng mga bagay na magsisilbing proteksyon sa init ng araw at sa ulan. Huli, kailangan ding mapapirma ng mga pupunta ang waiver o liham sa kanilang mga magulang at maibigay sa ika-29 ng Mayo.
Sa mga nais pumunta ngunit hindi nakapagkumpirma, maaari pa rin silang sumama at kailangan nilang maghanda ng PhP 700. Magkikita ang lahat ng dadalo sa istasyon ng Erjohn and Almark Bus Lines na matatagpuan malapit sa Metropolitan Theater at Manila City Hall at inaasahang naroon na ang lahat pagdating ng alas sais ng umaga. Para sa iba pang mga paalala, makabubuting bisitahin ang yahoogroup ng Gabay ( This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it ).
|

